Isang motorsiklo, tinangay ng mga kawatan sa San Juan City

San Juan – Inalerto na ng mga tauhan ng San Juan City Police Station ang kanilang mga personnel matapos sumalakay ang mga tumatangay ng motorsiklo sa lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya iniwan ni Jose Paolo Pilongo ang kanyang isang Unit na Suzuki Raider 150CC kulay black and gray na may plakang 8675-QG.na pagmamay-ari ni Raynaldo L. Vicente ganap na 8:30 ng umaga at nang balikan ito alas 9:44 ng umaga Nov sa harapan ng Mercury Drug Store na matataguan sa Domingo St., Brgy. Rivera, San Juan City ay laking gulat na lamang ng motorcycle rider ng matuklasang wala na sa lugar ang kanyang motorsiklo.

Inaalam na rin ng pulisya kung mayroong CCTV sa lugar ng pinangyarihan ng pagnanakaw ng motorsiklo upang malaman kung sino ang tumangay nito.


Facebook Comments