Isang multi awarded singer mula sa Bicol, napiling umawit ng Lupang Hinirang sa nalalapit na SONA ni PBBM

Ang multi awarded singer mula sa Bicol na si Blessie Mae Abagat ang nakatakdang umawit ng Lupang Hinirang sa ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Si Abagat ay kinilala bilang 2024 division champion ng vocal pop category sa katatapos na 27th World Championships of Performing Arts sa Long Beach California, USA na nilahukan ng mahigit 3,000 delegado mula sa 62 bansa.

Bukod dito ay napasakamay din ni Abagat ang mga gold medals para naman sa kategoryang vocal gospel, vocal contemporary, vocal pop at vocal world.


Kaugnay nito ay tiniyak naman ni House Secretary General Reginald Velasco na 100 porysentong ng handa ang Kamara para sa SONA na gaganapin sa July 22 sa Batasang Pambansa.

Kahapon ay isinagawa ang huling inter agency coordination meeting para sa preparasyon sa SONA na nasundan ng walk through para sa dadaanan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos pagdating sa Batasan Pambansa at sa magiging takbo ng buong programa.

Facebook Comments