Isang Muslim na kongresista, umapela kay VP Sara na huwag idamay ang rehilyon sa pamumulitika

Ikinadismaya ni House Assistant Majority Leader and Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ang mensahe ni Vice President Sara Duterte sa Muslim community na kinapapalooban ng pagpuna sa paghahanda ng gobyerno sa kalamidad, pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan at pagpapatupad ng batas.

 

Para kay Adiong, hindi deserve ng mga kapatid nating Muslim ang ginawa ni VP Sara na pagkaladkad sa kanilang sa politika na tiyak magdudulot ng pagkakahati hati sa halip na magsusulong ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran.

 

Paalala ni Adiong sa lahat mga opisyal ng gobyerno lalo na kay Duterte na ikalawa sa pinakamataas na opisyal ng bansa, tungkulin nila ang mag-ambag sa ikauunlad ng Pilipinas.


 

Ayon kay Adiong, ang naturang mensahe ni VP Sara ay walang maitutulong sa pagharap ng bansa sa iba’t ibang hamon at kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos na  walang ginawa kundi magtrabaho nang maibsan ang mga suliranin na ito.

 

Diin ni Adiong, makabubuting makiisa si VP sara sa pagtatrabaho para mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang lahat ng Pilipino, anuman ang relihiyon na kanilang kinaaniban.

Facebook Comments