Isang myembro ng AFP, kasama umano sa listahan ng mga destabilizers —AFP Chief Brawner

Kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na may isang myembro ng AFP na nasa listahan ng mga umano’y kasama sa destabilization plot sa pamahalaan.

Ayon kay Brawner, biniberipika na ang nasabing listahan na nanggaling sa isang social post ng isang kolumnista kung saan kasama dito ang nasabing AFP personnel.

Dagdag pa niya, dapat sineseryoso ang usapin ng destabilisasyon.

Tiniyak din nya na hindi gagawa ang Hukbong Sandatahan ng isang unconstitutional na mga aktibidad at mananatili silang susunod sa tuntunin ng batas.

Facebook Comments