Isang myembro ng NPA na nahaharap sa kasong murder-arestado

General Santos City–Arestado ang isang kasapi ng New People’s Army (NPA) na nahaharap sa kasong murder sa isinagawang manhunt Charlie ng pinag-isang pwersa ng Maitum PNP at Regional Intelligence Unit (RIU) ng Police Regional Office 12 sa Sitio Anggo, Barangay Batian, Maitum, Sarangani Province, kamakalawa.

Kinilala ni Police Sr. Inspector Rodel Javison, hepe ng Maitum PNP ang suspek na si Junjun Makilbing, 25, kasapi umano ng Platoon Myphone, Quirilla Front 73, ng Far South Mindanao Region.

Una nang nakatanggap ng report ang Maitum PNP na nasa lugar ang suspek kaya agad silang nagsagawa ng operasyon.


Si Makilbing ang inasabing isa sa mga responsabli sa panununog ng bus at mga heavy equipment sa Maitum at karatig bayan at lalawigan.

Sa ngayon mas tinaigting ng Maitum PNP ang kanilang ipinapatupad na seguridad dahil na rin sa posibling paghihigante ng mga kasamahan ni Makilbing matapos itong naaresto ng PNP.

Facebook Comments