Isang namumuong bagyo, mino-monitor ng PAGASA

Mino-monitor ngayon ng PAGASA ang isang namumuong bagyo na posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa araw ng Martes, araw ng Pasko.

Ayon kay weather specialist Aldczar Aurelio, binabantayan nila ngayon ang isang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa layong 1,515 kilometers sa silangang bahagi ng Mindanao na may posibilidad na maging isang tropical cyclone.

Dahil dito, inaasahan na magiging maulan sa bisperas ng Pasko sa Metro Manila at sa ilang bahagi ng Luzon dulot ng northeast monsoon at ng LPA na nasa loob ng PAR.


Facebook Comments