Isang napabilang sa drug watch list ng San Juan Police, arestado

Kalaboso ang isang 51-anyos na napabilang sa drug watch list ng San Juan Police Station matapos na maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa F. Blumentritt kanto ng N. Domingo St. Brgy. San Ferpecto San Juan City.

Kinilala ang suspek na si Joseph Barros, 51-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng San Juan City Police Station ng buy-bust operation na nagresulta ng pagkaka-aresto ng suspek na nakumpiskahan ng 10 pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.


Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa suspek.

Facebook Comments