Isang napabilang sa ‘high-value target’ at isang unified watch list ng EPD, timbog sa isinagawang buy-bust operation sa Pasig City

Kalaboso ang tinaguriang high-value target at isang unified watch list ng Eastern Police District (EPD) matapos na maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa #78 Daisy St., Tramo, Brgy. Rosario, Pasig City.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Derick Agres Reyes, 20-anyos, helper, nasa listahan ng HVT ng EPD at isang nasa listahan din ng Unified Illegal Drugs Watch List na si Jonel Avila y Feliciano, 25-anyos kabilang din sa unified watch list.

Ayon kay P/Cpl. Abigail Birung, nagsagawa ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng EPD ng buy-bust operation na nagresulta ng pagkakaaresto sa mga suspek.


Nakumpiska sa mga suspek ang 5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000 at P500 na buy-bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments