Isang national security expert, kinondena ang disinformation sa gusot sa Scarborough Shoal

Tinuligsa ng isang security expert ang disinformation sa umano’y pagtataboy ng mga Chinese Coast Guard (CCG) sa mga Pinoy na mangingisda sa Panatag o Scarborough Shoal.

Sa isang news forum, sinabi ni Herman Tiu Laurel, presidente ng Asian Century Philippines Strategic Studies, na nakalulungkot na hindi inililinaw ang pagkakaiba ng lagoon at sa mismong paligid ng mismong Scarborough Shoal.

Ani Laurel, noong 2016 ay naglabas ng Executive Order (EO) si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa pagpasok sa lagoon dahil ito ay silungan ng mga itlog ng sari-saring isda.


Nagkaroon din ng kasunduan noon ang katapat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa China na parehong babantayan ang lagoon.

Kaya, nagtataka Si Laurel kung bakit may isyu ngayon ng mga mangingisda na hindi pinapayagang nakapasok sa lagoon.

Aniya, hindi hinaharangan ang mga mangingisdang Pinoy sa mismong paligid ng shoal bagkus sa sentro ng shoal, kung saan may uka o crater na nandoon ang pangitlugan ng mga isda.

Aniya, dapat maging maingat ang PCG sa pag-iisyu ng pahayag na posibleng pag-ugatan ng alitan ng Pilipinas at China.

Dagdag ni Laurel, ngayon ay isang mahusay na trading partner ang China at tumutulong sa ilang krisis laluna sa suplay ng bigas.

Facebook Comments