Isang negosyante at isang doktora, inaresto ng CIDG dahil sa hindi pagbabayad ng SSS contribution ng kanilang mga empleyado

Manila, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group at Social Security System ang isang doktora sa Capitol Medical Center at isang may-ari ng Skills Power Institut matapos na hindi mag-remit ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado sa SSS.

Bitbit ng CIDG at SSS ang ang warrant of arrest at inaresto sina Dra .Realiza Henson at Erlinda Benanitan dahil sa hindi pagre-remit ng kontribusyon sa kanilang mga empleyado na may kasong paglabag sa SSS Act of 1997.

Si Dra. Henson ay hindi nakapag-remit ng kontribusyon sa kanilang mga empleyado simula noong December 15, 2011 na umaabot sa mahigit isang milyon at anim na raang libong piso habang si Benanitan naman ay hindi nakapag-remit simula noong taong November 2010 hanggang June 2011 na umaabot na sa 296 libong piso.


Nagbanta si SSS VP for Operation and Legal Services Division Atty. Renato Cuisia sa mga negosyante na hindi magbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado na posibleng makukulong at masasara ang kanilang mga tanggapan.

Facebook Comments