Nasakote ang dalawang indibidwal matapos ang ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa Brgy. Pogomboa, Aguilar, Pangasinan.
Nakilala ang mga suspek na isang 60 anyos na negosyante, residente ng Urbiztondo at isang 56 anyos na beautician mula sa San Carlos.
Nakumpiska mula sa pagmamay-ari ng mga ito ang nasa 65 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng abot of ₱442,000.00.
Nakatakdang harapin ng dalawa ang kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









