Isang Nesgosyante, Arestado dahil sa kasong Estafa!

Cabatuan, Isabela – Timbog ang isang negosyante dahil sa kasong Estafa matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito pasado alas dos ng hapon sa Brgy. Magdalena,Cabatuan, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Roland Robles Juan, 38 taong gulang, walang asawa, isang negosyante at nakatira sa Brgy. Concepcion, Luna, Isabela.

Inaresto ng mga kasapi ng PNP Cabatuan sa pangunguna ni PCI Vicente L. Guzman katuwang ang CIDG Isabela ang akusado sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Alexander V. De Guzman ng 2nd Judicial Region Branch 2, Santiago City dahil sa kasong Estafa.


Nasa kustodiya na ng PNP Cabatuan si Juan at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng dalawampung libong piso.

Facebook Comments