Isang Nesgosyante, Huli sa kasong Estafa!

32

Cauayan City, Isabela – Timbog ang isang negosyante sa lungsod ng Cauayan dahil sa kasong Estafa matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito dakong alas dos ng hapon sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nahuli na si Bella Visaya Collado, 55 taong gulang, may asawa, isang negosyante at nakatira sa Brgy. Sillawit, Cauayan City, Isabela.

Inaresto ng mga kasapi ng PNP Cauayan City sa pangunguna ni SPO1 Jedus B. Guban at PO3 Ruben B. Andres ang akusado sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Ariel M. Palce ng RTC Branch 40, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Estafa.

Samantala, nasa himpilan na ng PNP Cauayan City si Collado at may inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan na nagkakahalaga ng dalawampung libong piso.

Facebook Comments