Naaresto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang netizen na nagpost sa social media ng “I will give P50M reward sa makakapatay kay Duterte.”
Ang suspek ay kinilalang si Ronnel Mas na isang teacher.
Nadakip si Ronnel sa Zambales kahapon, batay na rin sa nakalap na impormasyon mula sa NBI Pangasinan kung saan humingi ito ng tawad sa maling nagawa.
Sa kaniyang Twitter na may account name na @ronprince, ipinost ni Ronnel ang naturang banta na umani ng mga batikos lalo at isa umano itong pagbabanta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Binura na ni Mas ang kaniyang post, pero mabilis ang ibang mga netizen at na-screenshot o may kopya ng nabanggit na post.
Paalala naman ng NBI sa publiko na mag-iingat sa mga ipinipost sa social media lalo na at maraming netizens ang nakakakita nito hindi lamang sa pilipinas maging sa ibang bansa.
Ang mga mapapatunayang lumabag sa batas ay mahaharap sa mga kaukulang kaso gaya ng Cybercrime Prevention Act of 2012.