Isang neurosurgeon, nagbabala sa mga taong tatanggap ng apat na dose ng COVID-19 vaccine

Nagbabala ang isang neurosurgeon sa publiko na maging maingat sa gitna ng ulat na may mga nakakakuha ng higit sa tatlong dose ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Philippine General Hospital (PGH) Director Dr. Gerardo Legaspi, hindi pa nila alam kung ano ang epekto ng apat na dose dahil ang bakuna laban sa COVID ay bago pa at patuloy na pinag-aaralan.

Aniya, posibleng sa kalagitnaan o sa huling bahagi ng taon pa dumating ang mga data tungkol dito.


Giit ni Legaspi, dapat hintayin muna ang data bago magpasya sa interbensyon ng bakuna sa ating sarili

Facebook Comments