Isang NPA Arestado sa Kalinga

165

Camp Melchor F dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela – Isang kasapi ng NPA na may nakabinbing Warrant of Arrest ang naaresto sa Lalawigan ng Kainga.

Sa pamamagitan ng magkasamang elemento ng 50th Infantry Battalion ng 5ID at Lubuagan Municipal Police Station ay nagsagawa sila ng Law Enforcement Operation at nagawang maaresto si Sabas Balcanao na kilala din sa layas na Solo.


Siya ay naaresto kahapon ng umaga ng Pebrero 21, 2018 sa Sitio Dugong, Barangay Lower Uma, Lubuagan, Kalinga.

Sa kalatas na ipinaabot ni Captain Jefferson Somera, ang pinuno ng 5ID Public Affairs Office, si Sabas Balcanao ay kasapi ng Abraham Bannawagan Command, Kilusang Larangan Guerilla- Baggas. Ang grupo ito umano ay responsible sa ilang mga karahasan sa Lalawigan ng Kalinga.

Ayon naman kay LtCol Ruben Guinolbay, Battalion Commander ng 50IB, dinala nila ang naaresto sa Lubuagan Municipal Police Station para sa kinakailangang proseso at dokumentasyon.

Samantala, kinomendahan naman ni Commanding General ng 5ID na si BGen Perfecto Rimando Jr, Commander, 5ID ang kanyang mga tropa sa matagumpay na pagkaaresto ng isang kasapi ng armadong kumunista.

Idinagdag pa na hindi titigil ang ang kanilang pamunuan hanggang hindi susuko a mabubura ang mga tinaguriang terroristang kumunista.

 

Facebook Comments