ISANG NURSING STUDENT SA LUNGSOD NG URDANETA NA NAGPAMALAS NG KAGITINGAN SA PAGSALBA NG BUHAY NG IBA, HINANGAAN

Kahanga hanga ang ipinamalas ng estudyanteng si Sofia Fernandez matapos nitong magsagawa ng quick emergency response sa isang crashed accident kamakailan sa Cuyapo Nueva Ecija.
Si Fernandez ay isang nursing student mula sa Panpacific University at sa kabila ng kanyang pagiging estudyante ay nagamit niya ang kanyang kaalaman sa mga emergency purposes.
Makikita sa larawan na may tinulungan ito mula sa isang lalakeng nakahandusay sa kalsada at walang pag aatubiling tinulungan ito ni Fernandez.

Samantala, hindi biro ang ginawang kabayanihan ni Fernandez sa kabila ng pagiging estudyante at may limitadong karanasan sa medisina, bagkus hindi yun naging hadlang upang magmapalas siya ng katapangan at hangarin ng magsalba ng buhay ng iba. |ifmnews
Facebook Comments