Isang Obispo sa Caloocan, nanawagan na palayain na ang lalaking nagnakaw ng de lata

Manila, Philippines – Nanawagan ngayon ang isang Obispo sa Caloocan na palayain na ang isang clerk ng supermarket na ikinulong matapos na magnakaw ng isang lata ng corned beef.

Sa facebook post ni Bishop Pablo David, handa daw siyang bayaran ng isang daang beses ang halaga ng ninakaw na items ng clerk na si Paul Matthew Tanglao na aminadong gutom ng araw na iyon.

Umapela pa ito sa mga otoridad dahil halos isang linggo nang nakakulong si Tanglao nang dahil lamang sa P31.50 na corned beef kung saan nananatili pa din ito sa Sta. Ana, Manila Police Station.


Napag-alaman na nakapag-lagak na ng piyansa ang nanay ni Tanglao pero hanggang sa ngayon ay hindi pa din malinaw kung bakit hindi pa rin siya pinapalabas ng kulungan.

Facebook Comments