Manila, Philippines – Mariing tinutulan ni Lingayen Dagupan Archibishop Emeritus Oscar Cruz sa plano ng Volunteers Against Crime and Corruption na armasan ang mga sibilyan bilang panlaban sa mga lumalalang krimen sa bansa.
Ayon kay Bishop Cruz huwag naman armasan ang mga sibilyan masyado umanong radical ang pag isip ng nagmungkahing bigyan ng baril ang mga ordinaryong sibilyan.
Paliwanag ni Cruz kapag inarmasan ang mga sibilyan marami patayan ang mangyayari at marami ring masasawi dahil maiwasan na malakas ang loob ng mga sibilyan na may baril.
Dapat umanong ipaubaya nalang sa mga pulis at sundalo ang pag-aamas para protektahan ang kaligtasan ng mamamayang Filipino.
Giit ng obispo mistulang parang manok nalamang ang buhay ng isang tao kapag inarmasan ang mga sibilyan dahil tiyak magkakaroon ng sunod-sunod na patayan sa bansa.