Isang OFW, kabilang sa 8 na tinamaan ng Delta variant sa Pasig City

Kinumpirma ng pamunuan ng Pasig City government na kabilang ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa 8 na nagpositibo sa Delta variant ng COVID-19 sa lungsod.

Paliwanag ni Pasig City Mayor Vico Sotto, ang pasyente ay nakumpleto ang quarantine period alinsunod sa Department of Health (DOH) protocols kung saan apat na araw bago siya umuwi sa kanilang bahay sa Pasig City.

Dagdag pa ni Sotto na ibinalik ang naturang OFW sa quarantine at nagsagawa ng panibagong PCR test kung saan nagpositibo siya sa COVID-19.


Nagsasagawa na rin ng contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng OFW kung saan napakahirap madetermina kung alin ang Delta variant o hindi kaya’t pinapalagay na nila na posibleng kumalat na sa komunidad ang naturang virus na kanilang mahigpit na pinaghahandaan.

Giit ni Sotto na pinaghahandaan na rin nila sakaling tumaas ang bilang ng mga tinatamaan ng Delta variant gaya ng dagdag na 200 beds para sa mga pasyenteng mayroong COVID-19, maging ang kanilang quarantine facilities lalo na ang bilang ng mga medical equipments gaya ng oxygen para sa pasyente.

Facebook Comments