Isang OFW mula Kuwait na naipit sa giyera sa Gaza, kasama sa ikalawang batch na nakatawid sa Egypt

Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na kasama sa second batch ng Pinoy repatriates na nakatawid mula Gaza ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) mula Kuwait.

Ayon kay De Vega, ang OFW mula Kuwait ay inabutan ng giyera sa Gaza kaya naipit ito doon.

Pagdating aniya ng Cairo ay agad silang dadalhin sa hotel para makapagpahinga.


Sa ngayon, mayroon pang 39 na mga Pilipino na naiwan sa Gaza.

Bukod pa ito sa 14 na nagpaiwan sa border matapos na hindi mabigyan ng security clearance ang kanilang mga asawang Palestino.

Muli namang umapela ang DFA sa iba pang mga Pinoy sa Gaza na samantalahin ang pagbubukas ng border at huwag nang magpaiwan.

Facebook Comments