Isang Online Gamer, Coast Guard Officer na Ngayon

18

Cauayan City, Isabela- Ipinagmamalaki ngayon ng lalawigan ng Nueva Vizcaya ang isang dating online gamer na ngayon ay isa nang ganap na opisyal ng Philippine Coast Guard.

Si first-class Cadet Genison Basilio ng Bayombong, Nueva Vizcaya ay isa sa apat (4) na Philippine Coast Guard (PCG)-sponsored cadets na nagtatapos sa United States Coast Guard Academy (USCGA) noong ika-19 ng Mayo 2021.


Sa kanilang pagbabalik ay agad silang sasailalim sa Coast Guard Officer’s Course (CGOC) training para maging ganap na PCG commissioned officers.

Lubos namang nagagalak ang kanyang mga magulang na sina Commodore Genito Basilio ng PCG District Palawan at Mrs. Evangeline Basilio.

Ayon sa kanyang mga magulang, nahirapan umanong tumutok sa pag-aaral ang kanilang anak dahil laging nakababad sa online games.

Ngunit sa kabila ng patuloy nilang pagpapaalala at payo sa kanilang anak, natauhan at tuluyang nagpursige si Genison sa kanyang pag-aaral.



Mensahe naman ng mga magulang sa kapwa magulang na patuloy pa rin ipadama ang pagmamahal sa anak at suportahan ang anak lalo na sa pagkamit ng kanilang mga pangarap sa buhay.


Facebook Comments