Isang Opisyal ng BJMP Santiago City, Sangkot sa Pananakit Gamit ang Baril!

47

Santiago City, Isabela- Nahaharap sa kasong Physical Injury ang isang
opisyal ng BJMP Santiago City matapos manakit sa isang negosyante pasado
alas nuwebe ng gabi, Marso 15,2018 sa Brgy. Mabini, Santiago City, Isabela.

Ang opisyal ay nakilalang si JO1 Reden Salvador, 37 anyos, may asawa at
kasalukuyang nakatalaga sa BJMP ng lungsod habang ang biktima naman ay
nakilalang si Edwin Dorupa, 46 anyos, negosyante at residente ng Brgy.
Patul, Santiago City, Isabela.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Station 1 Santiago City,
binabagtas umano nina Salvador at Dorupa ang lansangan nang sumalungat ang
sasakyan ni Salvador sa dinadaanan ni Dorupa dahilan upang businahan ito
ni Dorupa na ikinagalit ni Salvador.

Bumaba umano sa kanyang sasakyan si Salvador at sinigawan ang biktima sabay
hampas ng baril sa mukha ni Dorupa na nagresulta sa pagdurugo nito na agad
namang iniulat sa tanggapan ng pulisya.

Ayon sa pahayag ni PCI Rolando Gatan ng himpilan, Patuloy pa rin ang
kanilang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente at
inihahanda na ang kasong kakaharapin ni Salvador.

DWKD985Cauayan, RMN Cauayan, Isabela, Santiago City, Luzon

Facebook Comments