Isang opisyal ng NAPOLCOM, lilipat sa DPWH para maging katuwang ni Sec. Dizon

Nakatakda nang lumipat sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang opisyal ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Ayon sa NAPOLCOM, ang paglipat ni Commissioner Atty. Ricardo Bernabe III ay para mayroong katuwang si Secretary Vince Dizon sa bagong tungkulin.

Si Commissioner Bernabe ay itinalaga bilang Commissioner noong March 8, 2022 at nagsilbi bilang vice chairperson at executive officer noong November 2024.

Muli itong bumalik sa pagiging commissioner noong Abril lamang.

Sinabi ni NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan, malaki ang kontribusyon ni Bernabe sa pagpapatibay ng integridad ng Pulisya at sa pagbabalik ng tiwala ng publiko.

Facebook Comments