Isang opisyal ng NBI, positibo sa COVID-19

Isang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nagpositibo na rin sa COVID-19.

Kinumpirma ito ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra subalit tumanggi muna ang kalihim na pangalanan ang naturang opisyal.

Ayon sa kalihim, naka-quarantine na ang naturang NBI official.


Ayon naman kay DOJ Spokesman Markk Perete, sa Facebook post ng naturang opisyal ng NBI niya nalaman na nagpositibo ito sa COVID-19 virus.

Tiniyak naman ni Secretary Guevarra na magpapatupad muna sila ng temporary shutdown sa mga opisina ng NBI.

Nagsasagawa na rin sila ng contact tracing at naka-self quarantine na ang ilan sa mga nakasalamuha ng opisyal.

Facebook Comments