Isang opisyal ng PCAB, dapat imbestigahan at isailalim sa lifestyle check

Iginiit ng House Infrastructure Committee na imbestigahan at isailalim sa lifestyle check ang Executive Director ng Philippine Contractors Accreditation Board o PCAB na si Atty. Herbert Matienzo.

Kasunod ito ng impormasyong nakarating kay House Deputy Speaker at Zambales Rep. Jay Khonghun na nakatira sa Ayala Alabang si Matienzo, maraming mga sasakyan.

Nabatid pa ni Khonghun na si Matienzo umano ang pasimuno sa bentahan ng registration sa PCAB.

Sa pagdinig ng House Infra Committee ukol sa maanumalyang flood control projects ay binanggit ni Matienzo na walong taon na syang nasa gobyerno at nakatira sya Cupang, Muntinlupa at hindi sa Ayala Alabang.

Sa pagdinig ng Kamara ay binanggit ni Matienzo, na katuwang ang isang 3rd party, ay pinaiimbestigahan na ng PCAB ang napaulat na bentahan ng accreditation ng mga kontratista.

Facebook Comments