Isang opisyal ng PNP – arestado matapos tangkaing iligtas ang isang miyembro ng Abu Sayyaf sa Bohol

Manila, Philippines – Pinasisibak at pinakakasuhan na ni PNP Chief Dir. Ronald Dela Rosa ang babaeng pulis matapos masangkot sa tangkang pagligtas sa mga Abu Sayyaf na nagtangkang manggulo sa Bohol.

Kasalukuyang isinasalang sa imbestigasyon sina Supt. Maria Christina Nobleza, deputy regional director ng PNP crime laboratory ng region 11 at Reenor Lou Dungon alyas Kudre na isa umanong bomb expert.

Sa report ng PNP – naharang sa barangay Bacani sa bayan ng Clarin ang nasabing opisyal matapos na tangkain nilang lagpasan ang isang checkpoint sa gitna ng pagtugis ng mga pulis at sundalo sa grupo ng Abu Sayyaf.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, kinumpirma ni Dela Rosa na karelasyon ni Nobleza ang isang ASG member.

Nang imbestigahan ang sim card ng pulis, dito na lumabas ang mga text message ng paghingi ng tulong ng isa sa mga Abu Sayyaf members na sila ay i-rescue.

Ayon pa sa intelligence source, bayaw umano ng driver na si Dungon ang isa sa mga lider ng Abu Sayyaf.
DZXL558

Facebook Comments