Todo tanggi ngayon ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) na gumagamit na lamang ng garbage bag ang kanilang mga healthcare workers bilang Personal Protective Equipments o PPE’s.
Ito’y matapos kumalat sa social media ang panawagan ng isang doktora kung saan maraming negatibong komento ang natanggap ng pamunuan ng ospital.
Sa pahayag naman ni GABMMC Director Dr. Ted Martin, sapat ang kanilang PPEs para magamit ng lahat ng kanilang mga healthcare workers gayundin ang frontliners kaya’t nanawagan sila na huwag nang patulan pa ang fake news na ipinapakalat sa social media.
Wala pa naman pahayag ang pamunuan ng nasabing hospital kung anong hakbang ang kanilang gagawin para mapanagot ang mga nagpapakalat ng fake news.
Samantala, bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas sa publiko.
Nagsagawa ng masusing cleaning at disinfecting operations sa Operating Room/Delivery Room (OR/DR) ang pamunuan ng Ospital ng Sampaloc sa tulong ng kanilang Patient Care and Services Department.
Matatandaan na pansamantalang isinara ang Ospital ng Sampaloc nong April 4 matapos magpositibo sa Coronaviris Disease o COVID-19 ang lima nitong empleyado habang ang mga doktor, nurse at iba pang staff ay sumailalim sa quarantine.