ISANG OUT-OF-SCHOOL YOUTH, ARESTADO MATAPOS MAGNAKAW SA LOOB NG PAARALAN SA SISON

Arestado ang isang 20 anyos na Out-of-School Youth matapos na magnakaw sa loob ng Alibeng National High School sa Sison, Pangasinan.

Ayon sa ulat ng isang guro at nakita sa CCTV footage, sinira ng suspek ang pinto ng Principal’s office at pumasok sa loob ng opisina.

Agad na rumesponde ang kapulisan at nagsagawa ng hot pursuit kung saan matagumpay na natunton ang suspek.

Narekober mula sa kanya ang 12 laptops, 17 tablets, at iba pang gamit sa loob ng opisina na may kabuuang halaga na nasa ₱624,264.40.

Samantala, inihahanda na kaukulang reklamo sa suspek para sa kasong Robbery na isasampa sa Prosecutor’s Office sa pamamagitan ng inquest proceedings. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments