Naglunsad ng Automated ID system ang Tanzang Luma Elementary School sa Imus, Cavite ngayong pasukan.
Sa automated ID system na ito, ita-tap lamang ng estudyante ang sensor at kaagad na ipapaalam sa magulang sa pamamagitan ng text message na nakarating siya sa paaralan.
Makikita rin dito kung ilang bata ang pumasok at lumabas sa paaralan.
Malalaman din kung nag-time in at time out ang mga guro.
Magkakaroon pa ng orientation ang mga estudyante upang maging bihasa sa sistemang ito.
Ayon sa Department of Education- Imus, Cavite, target nilang gawing automated ID system ang lahat ng paaralan sa lungsod.
Facebook Comments