ISANG PAARALAN SA MALASIQUI, INIREREKLAMO

Dumulog ang ilang estudyante mula sa isang kolehiyo sa bayan ng Malasiqui ukol sa mga alegasyon laban sa mga anomalya sa paaralan.

Kinukwestyon ng isa sa kanila ang umano’y hindi transparent na paglalahad ukol sa programang Tertiary Education Subsidy.

Diumano, wala raw silang ni-pisong nahawakan, bagamat bayad na ang tuition fee nila at mga libro, ngunit kalaunan ay sinisingil muli sila.

Ang isa pang dumulog, inilahad na aabot umano sa halos 15K ang binayaran nilang graduation fee ngunit ipinagtataka nito na sa laking halaga ay wala pa rito ang mga dokumento na kanilang kinakailangan.

Diumano, pinagbabayad pa sila ng higit 13K para makakuha ng diploma at Certificate of Grades.

Tinungo namin ang paaralan upang hingan ng komento sa mga alegasyon, ngunit walang nagbigay ng pahayag.

Sa ipinadalang mensahe nito, maaari umanong tumungo nang personal ang mga may hinaing sa opisina ng presidente upang ipaabot ang mga hinaing. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments