Maguindanao – Malakas na pagsabog ang naganap kaninang maga-alas-12:00 ng tanghali sa Barangay Tambunan Talayan, Maguindanao.
Ito ang kinumpirma ni 6th Infantry Division Spokesperson Major Arvin Encinas, aniya isang lalaki ang nagiwan ng motorsiklo sa malapit sa checkpoint area ng Philippine Army sa lugar.
Hindi na raw dumeretso ang lalaking sakay ng motor sa halip iniwan sa lugar ang kanyang sasakyan matapos na Makita ang checkpoint operation ng Philipine Army.
Ilang minuto ang nakalipas matapos iwan ng lalaki ang kanyang motor ay sumabog ito.
Iniimbestigahan ngayon ng Philippine Army at pulisya kung Improvised Explosive Device ang pinasabog sa motorisklo at kung sino ang may gawa nito.
Malabo naman aniya na may kinalaman sa gaganaping Bangsamoro Organic Law Plebiscite bukas sa North Cotabato Maguindanao dahil apat na oras aniya ang layo ng pinangyarihan ng pagsabog sa North Cotabato kung saan gagawin bukas ang BOL plebiscite.
Walang naitalanag nasawi o nasugatan sa pagsabog.