Natupok ang halos lahat ng mga stall sa loob ng Abra Market sa Barangay. Ramon Magsaysay Bago Bantay Quezon City kaninang madaling-araw.
Base sa report ng Quezon City Fire Department sumiklab ang apoy sa isang karinderya bago mag-alas singko ng madaling-araw.
Sa pahayag ng mga nakasaksi, isang malakas na pagputok ang kanilang narinig.
Ayon naman sa Bureau of Fire Protection (BFP), sa isang lumang estraktura nagsimula ang sunog kaya’t mabilis ang paglagablab ng apoy.
Paliwanag ng BFP, nasa 90% ng mga stall na tindahan ng iba’t ibang mga produkto mula sa wet and dry section ang tuluyang nilamon ng apoy.
Wala namang nasaktan o nasugatan sa mga nagtatrabaho sa Abra Market na naapula pasado alas-sais na ng umaga kanina.
Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog na umabot lamang sa unang alarma.