ISANG PAMILYA SA DAGUPAN CITY, GUMASTOS NG P78K PARA SA PAPUTOK

Hindi pagkain kundi paputok ang tampok sa pagdiriwang ng Pamilya Rescigno sa pagsalubong ng Bagong Taon. Umabot sa humigit-kumulang ₱78,000 ang halaga ng fireworks na may mahigit 1,000 shots, na nagbigay ng ilang minutong makukulay na fireworks display sa kalangitan.

Ayon kay Darren Rescigno, isang Amerikanong naninirahan sa Pilipinas, taunang tradisyon na ng kanilang pamilya ang pagbili at pagsisindi ng fireworks bilang aliw sa pamilya at sa mga kapitbahay.

Dagdag ni Rescigno, pansamantala lamang inilatag ang mga paputok para sa pagkuha ng litrato at tiniyak na legal ang mga ito. May nakahanda rin umanong fire extinguishers bilang bahagi ng kanilang mga hakbang pang-kaligtasan.

Sa pagsisimula ng panibagong taon, nagsilbing simbolo ng pag-asa at pagkakaisa ang makulay na fireworks display, paalala na sa bawat pagsalubong, may liwanag at bagong sigla na naghihintay para sa buong komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments