
Nahukay ang bahagi ng isang malaking hindi sumabog na bomba, kabilang ang torpedo at buntot nito, sa isang construction site sa Pasay City.
Sa report ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP), isang backhoe operator ang nakadiskubre ng nasabing pampasabog.
Agad naman umano itong iniulat sa Mobile Patrol Security Unit (MPSU) ng PNP AVSEGROUP para maimbestigahan.
Agad naman na rumesponde ang Aviation Security Explosive Ordnance Disposal (EOD) at Canine Unit (AVSECU) upang ligtas na mailipat ang bomba sa kanilang himpilan para sa pagsusuri at tamang disposisyon.
Facebook Comments









