ISANG PANGASINENSE ANG ILALABAN BILANG REPRESENTATIVE NG PANGASINAN SA MR. PILIPINAS WORLDWIDE 2023, KILALANIN

Nakapasok bilang Finalist si John Peterson Sanchez na tubong Barangay Mamarlao, San Carlos City, Pangasinan sa Mr. Pilipinas Worldwide 2023 ngayong buwan ng September. Labis ang tuwa naman ng mga kababayan at supporters sa kanyang pageant journey.
Sa ngayon ay naghahanda na si John at ang kanyang team sa nalalapit na pageant. Ayon sa kanya, hindi niya raw ma-imagine na mapapasok siya sa larangan ng pageantry dahil siya ay isang mahiyain subalit ngayon handa na siyang harapin at lumaban bilang representative ng probinsya ng Pangasinan. Nagpapasalamat rin si John sa kanyang mga supporters at sa lahat ng tumulong sa kanya noong siya’y nag uumpisa pa lamang.
Mga idol, suportahan din natin ang ating kandidato para sa kanyang nalalapit na kompetisyon. Advance congratulations idol mula rito sa IFM DAGUPAN. |ifmnews

Facebook Comments