Kilalanin si Ellaine Jane Velasco na tubong Barangay Malimpuec, Lingayen, Pangasinan na isa sa matagumpay na nagtapos sa Coast Guard Non-Officers Class of 97-2022 “ALAB-HIRAYA” nito lamang nakaraang June 27 ngayong taong 2023. Bago pa man siya naging ganap na bahagi ng nasabing aktibidad,siya ay nagtapos sa kolehiyo sa kursong BSIT, siya muna ay naging empleyado ng provincial government at nanungkulan bilang SK Kagawad sa kanilang Barangay.
Isa rin si Ms. Ellaine na naging active volunteer sa isang non-government organization youth-led media na kilala ng karamihan na “Pangasinan Youthcaster” at nagsisilbing Vice Chairperson hanggang ngayon. Ayon sa kanya, ang gusto niyang propesyon sa buhay ay makapagsilbi sa tao at higit sa lahat para sa bayan.
Isa si Ms. Ellaine na maituturing na “Urduja” ng Pangasinan dahil sa kanyang angking lakas at pakikipagsapalaran kahit napakahirap ng training ay nanindigan siya para sa kanyang pangarap. Isa siya sa 351 female trainees na nagtiis ngunit umunlad at nakapagtapos kaya be proud sa ating kababayan. Kahit mapababae ka man, kung para sa kababayan at pangarap, ilalaban at gagawin ang lahat. Congratulations idol. Mula rito sa IFM Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments