ISANG PANGASINENSE ARTIST SAIBANG BANSA, NAKABILANG ANG ARTWORKS SA ISANG ART EXHIBITION

Kilalanin si Jae Corrales na tubong Mangaldan, Pangasinan. Isa ring talentadong lokal artist na ngayon ay nakatira at nag aaral sa bansang Amerika. Napili ang kanyang mga artworks sa Annual Student Art Exhibition sa Black Hawk College sa America nito lamang nakaraang April 11 ngayong taon.
Tampok sa kaniyang artworks ay inspired daw kay Urduja ng Pangasinan, isang maalamat na prinsesang mandirigma na kinilalang bayani ng ating probinsyang Pangasinan at ang isa naman ay ang kanyang simpleng self-portrait.
Kasama sa nasabing aktibidad ang mga drawings, painting, sculpture at digital artworks.

Kahit saan man tayo magpunta, malayo man ang ating nararating, kung ikaw ay punong puno ng talento at passion sa arts, hindi mawawala yun saatin kahit kailan. |ifmnews
Facebook Comments