ISANG PANGASINENSE NA KABILANG SA TEAM NG PILIPINAS PARA SA SEA GAMES 2023, KILALANIN

Nag umpisa na nga mga Idol ang pinaka hihintay ng lahat ang ika-32nd SEA GAMES 2023 nito lamang nakaraang May 5 at mag tatapos ito hanggang May 17 na ngayon ay ginaganap sa bansang Phnom Phen, Cambodia.
Hindi rin naman magpapahuli ang mga Pangasinense dahil isa ang ating probinsya sa may maraming magagaling na athletes, mapalokal man or national.
Kilalanin ang ating kababayan na si Jan Lowell Sison, 23 years old na tubong Alaminos City na kasama sa SIBOL PUBG Mobile Team ng ating bansang Pilipinas. Sila ay may limang players at isang coach.

Ayon kay Jan, nais niyang pasalamatan ang lahat ng kanilang mga supporters sa pagtulong sa lahat ng mga manlalaro at ibibigay nila ang kanilang best fight para sa Team PH para makabawi at makapag uwi ng medalya.
Samantala, labis naman ang suporta ng mga taga Alaminos para sa kanilang pambato na si idol Jan. |ifmnews
Facebook Comments