ISANG PANGASINENSE NA MIYEMBRO NG PHILIPPINE WOMEN’S FOOTBALL TEAM “FILIPINAS”, KILALANIN

Kilalanin si Meryll Serrano, 26 years old na tubong Barangay Amansabina, Mangaldan,Pangasinan. Ayon sa kanya, nakitaan na siya ng potential sa larong football simula 4 years old pa lamang siya. Si Serrano ay kabilang sa Philippine Women’s Football Team “FILIPINAS” na kamakailan lamang ay nilabanan ang kupunan ng New Zealand noong July 25 ngayong taong 2023 sa Football World Cup.
Siya ay kasalukuyang midfielder sa nasabing team. Labis naman ang pagsuporta ng kanyang ina at ang kanyang Norwegian stepfather. Dagdag pa rito, si Serrano ay naging dating player para sa Team Norway kung saan nagsimula siyang maglaro sa edad na 14.
Para sa kaalaman ng lahat, alam niyo ba na ang Team Filipinas ay ang kauna-unahang miyembro ng makatuntong sa FIFA WORLD CUP kung kaya’t proud na proud tayong mga Pinoy sa kanilang angking kahusayan at kanilang determinasyon sa nasabing larangan. Congratulations idol from IFM DAGUPAN. |ifmnews

Facebook Comments