Isang Pangasinense ang binabantayan ngayon ng Provincial Health Office matapos nitong makasalamuha ang isang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 Delta Variant.
Ayon kay Provincial Health Officer Dra. Anna De Guzman, isang Overseas Filipino Workers (OFWS) na Pangasinense ang minomonitor ng kagawaran dahil sa ito ay kaniyang nakasakayan pauwi ng bansa.
Ito umano ay dumaan sa labing apat na araw na quarantine sa Manila at nag negatibo sa RT-PCR Test result bago umuwi ng Pangasinan.
Nilinaw ni Dra. De Guzman na nanatiling walang COVID-19 Delta Variant sa lalawigan matapos makapagtala ng kaso sa probinsya ng Ilocos Norte.
Sa ngayon, umabot na sa pitong daan (700) ang aktibong kaso ng covid-19 sa pangasinan.
Nakiusap si De Guzman na ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public health standard bilang pag-iingat sa nakakahawang sakit.