Nakitaan ng minor crack ang isang pantalan sa Surigao del Sur kasunod ng pagtama ng 7.4 magnitude na lindol noong Sabado.
Ayon kay Philippine Port Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, matapos ang isinagawang assessment sa lahat ng pantalan na sakop ng Port Management Office (PMO) Surigao na Lawigan Port sa Bislig Surigao del Sur ay nakitaan ng minor cracks sa operational area nito.
Gayunpaman, sinabi ni Santiago na walang malaking pinsala sa anumang pantalan sa lalawigan.
Ligtas naman daw itong gamitin at walang dapat ikabahala ang mga pasahero at maging mga cargo at passenger vessel.
Samantala, balik-trabaho na rin ang mga empleyado ng Terminal Management Office Tandag noong gabi ng Sabado matapos silang ilikas dahil sa banta ng tsunami.