Isang partylist group, umalma na rin sa planing sa “no vax, no ayuda” policy

Umalma ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Partylist sa mungkahi na huwag bigyan ng subsidiya ang 4Ps beneficiaries na hindi pa nababakunahan.

Ayon sa tagapagsalita ng 4Ps Partylist na si Atty. Norman Tansingco, ang bakuna ay dapat na maging mandatory lamang sa mga piling sektor katulad ng mga healthcare worker, guro, at empleyado ng gobyerno.

Ang 4Ps beneficiaries na itinuturing mahihirap sa ating bansa ay hindi dapat pagkaitan ng kanilang subsidiya dahil lamang hindi sila nabakunahan.


Iginiit pa ni Atty. Tansingco, nararapat na mas paigtingin pa ang kampanya ng gobyerno upang tumaas ang bilang ng mga nagpapabakuna sa pamamagitan ng information drives, incentives at house-to-house vaccination lalo na sa mga probinsiya at malalayong lugar.

Kailangan ding tiyakin na may pantay na access ang 4Ps beneficiaries sa bakuna kontra COVID-19.

Sa huli, sinabi pa ni Atty. Tansingco na hindi naman kasalanan ng ibang mga miyembro ng 4Ps na hindi pa sila nababakunahan dahil wala silang access sa bakuna o walang available na bakuna sa kanilang mga lugar.

Facebook Comments