Sa pangalawang araw ng pag-iikot ng Radyo Trabaho team ay nabisita namin ang mga lungsod ng Maynila at Pasig kung saan 8 ordinaryong manggagawa ang nabigyan ng special package ng RMN Foundation at Radyo Trabaho Team.
Isa na diyan ang monay vendor na si Josua Icutanim, 30 taong gulang na nanghihiram lang ng bisikleta sa kanyang amo para makapagtinda ng tinapay na monay.
Inaabot siya ng limang oras ng pagbibisikleta kung saan nakakarating pa siya ng Quezon City sa paglalako at ang kinikita nya ay kanyang pinapadala sa mga magulang sa Pasay City.
Labis naman ang kanyang pasasalamat sa natanggap na package at inaasam nyang manalo sa ating bisikletrabaho para di na siya manghiram sa kanyang amo.
Kasalukuyang umiikot ang Radyo Trabaho team sa Taguig City upang makapamahagi pa ng special package at mga coupon para mabigyan ng pagkakataon ang mga Taguigeño na manalo ng Bisikletrabaho na ibobola ngayong darating na Biyernes.