Kinumpirma ng City Health Office ng Taguig na isa naman pasyente ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 ang nasawi, kung saan, nasa 14 na ang kabuuang bilang ng mga binawian na ng buhay sa lungsod ng dahil sa virus.
Batay sa pinakabagong tala ng CHO, ang pasyente ay mula sa Barangay Maharlika Village, kung saan ito na ang ikalawang COVID-19 patient na nasawi sa kanilang barangay.
Meron naman itong 10 residente na COVID-19 positive, dalawa na ang gumaling sa sakit na dulot ng virus at anim na residente naman ang kabilang ngayon sa mga suspected cases.
Samantala, sa kabuuan, ang Taguig City ay meron ng 189 na bilang ng COVID-19 confirmed cases kung saan ang tatlong bagong pasyente na infented ng virus ay mula sa Barangay Ususan at Central Bicutan.
Umabot na rin sa 1,103 na mga indibidwal sa lungsod na kabilang sa listahan ng mga suspected cases.
24 naman na ang mga nakarekober mula sa nakakamatay na COVID-19.