Isang pasyente sa San Lazaro Hospital sa Maynila, nagpositibo sa Meningococcemia, mgapasyenteng isinusugod patuloy na dumarami

Nagpositibo sa Meningooccemia ang isa sa limang pasyenteng isinugod sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Sa datos ng Department of Health (DOH), mula January 1 hanggang September 14 ay umabot na sa 168 ang naitalang kaso, 88 ang namatay.

Ayon kay Dept. of Family Medicine Chairperson, Dr. Ferdinand De Guzman, nagpapagaling na sa ngayon ang pasyente.


Sinabi ni DOH Epidemiology Bureau Fellow, Dr. Jessica Cagadas, lubhang nakakahawa ang Meningococcemia at madaling mahawaan ay mga kabataan, mga mahihina ang resistensya, at may mga sakit.

Nakukuha ito sa pamamagitan ng Direct Contact o paghalik, pagbahing, at pag-ubo.

Pwede ring indirect contact, o paggamit ng kutsara o baso na ginamit ng taong mayroong Meningococcemia.

Mahalagang madala sa ospital ang mga may simtomas ng Meningococcemia.

May bakuna kontra Meningococcemia pero hindi ito bahagi ng National Immunization Program ng gobyerno kaya hindi libreng naibibigay sa mga Health Center.

Facebook Comments