Isang pawnshop sa Taguig City, nasunog

45

Nasunog ang isang pawnshop sa Brgy. Lower Bicutan, Taguig City.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang insidente pasado alas-6:00 ng umaga kung saan tuluyan itong naapula bago mag-alas-7:00 ng umaga.

Umakyat lamang ng unang alarma ang sunog at mabilis na rumesponde amg mga bumbero upang hindi na ito kumalat pa.


Partikular na nasunog ang isang pawnshop sa MLQ Street Purok 5 na inuupahan ng isang nagngangalang Romerico Castro.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa kwarto ng security guard na si Marlon Mangilit pero patuloy pa rin inaalam ang pinagmulan ng sunog maging kung ilan ang mga isinanlang bagay na nadamay.

Tinatayang nasa ₱100,000 halaga ng mga ari-arian ang nasunog habang wala naman nasaktan o nasawi sa insidente at tanging ang pawnshop lamang ang natupok ng apoy.



Facebook Comments