Isang PCP Commander sa lungsod ng Maynila, tinanggal sa pwesto

Tinanggal sa puwesto ni Manila Police District (MPD) Director Police Brig. Gen. Leo Francisco ang hepe ng Remedios Police Community Precinct (PCP) na si Police Lt. Cris Duque.

Ayon kay MPD PIO Chief Police Lt. Col. Robert Mupas, ang pagkakatanggal sa puwesto kay Duque ay dahil sa hindi pagsunod nito sa tamang bilang ng mga ipinakalat na pulis sa kanilang nasasakupan.

Partikular na dapat bantayan ng 24/7 ang mga residente na nasa lockdown.


Nabatid na nagsagawa ng inspeksiyon sa mga barangay na naka-lockdown si Francisco at kasama sa inikutan ang MPD Station 5 kaninang alas-2:00 ng madaling-araw kung saan napag-alaman na kulang sa deployment ng mga pulis sa lugar.

Isa rin sa napansin ng opisyal ng MPD ang itinalagang tig-dalawang pulis ni Duque sa dalawang hotel sa Malate na isinailalim sa lockdown.

Wala pa naman binabanggit na hahalili kay Duque ngunit tiniyak ni Mupas na magtatalaga sila ng kapalit nito ngayong araw.

Facebook Comments