
Isang kwento ng pagkakaisa ng tao at kalikasan ang umusbong mula pagkakatagpo ng hindi pangkaraniwang ibon na peregrine falcon na nakaligtas mula sa hagupit ng Bagyong Emong sa La Union.
Tunay nga na mayroon pa ring mga tao ang may mabuting puso. Isang patunay si Rodel Alfonso nang kanyang irescue at ipasakamay sa Coastal Underwater Resource Management Actions (CURMA), isang environmental conservation organization sa La Union, ang migratory Peregrine Falcon.
Tuliro at nanghihina ang ibon nang matagpuan ngunit patuloy na pinalalakas ng CURMA upang muling makabalik sa paglalakbay.
Hindi lamang ito kwento patungkol sa isang ibon, kundi kwento ng pagmamalasakit . Isang paalala na hindi dapat kalimutan ang kapakanan ng mga hayop tuwing may bagyo o sakuna.
Sa ngayon patuloy pa ang recovery ng naturang peregrine falcon.
Tiniyak din ng CURMA ang pag-alalay nito sa ibon tulad ng layunin nitong mapangalagaan ang bawat marine at wildlife na may mahalagang gampanin sa ating ecosystem. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









