Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang Pilipino ang kabilang sa mga nasugatan sa nangyaring drone attack sa Abha Airport sa Saudi Arabia noong Huwebes, February 10, 2022.
Kaugnay yan, nakikipag-ugnayan na rin ang Phillipine Counsel of General sa Jeddah sa naturang sugatan na Pilipino para mag-abot ng tulong.
Sa ngayon, nasa stable na ang kalagayan ng sugatang Pilipino at patuloy na ginagamot sa ospital sa tulong ng kaniyang amo.
Kasabay nito, nananawagan ng panalangin ang embahada sa mabilis na paggaling ng mga nakaligtas na indibidwal sa nasabing drone attack.
Patuloy na rin nakikipag-ugnayan ang embahada sa mga otoridad at Filipino community duon upang matiyak kaligtasan at seguridad ng mga Pilipino sa Saudi Arabia.
Pinapayuhan ng embahada ang mga Pilipino na manatiling naka-bantay, mag-monitor sa mga security advisory at makipag-ugnayan sa Philippine Embassy gamit ang emergency hotline nito kung sakaling magkaroon ng emergency.
Nagtutulungan ang embahada at iba pang global community sa panawagan sa pagtigil sa karahasan kontra sa mga sibilyan.